one heck of a tagalog entry.

Naranasan mo na ba yung damdaming nakakapagpabagabag dahil hindi mo alam kung ano ginagawa mo tapos sa dulo tutulungan ka lang din naman pala ng ibang tao? Aba ewan ko sayo pero ako alam ko naranasan ko na. Kanina, ako lang yata yung nangongopya sa likod ng libro habang nagsusulat nung mahabang talata sa kastila. parang ang gagaling na nilang lahat eh. nabawasan pa yung mabuti’t magaling na pakiramdam nung nalaman kong tungkol sa iba pala yung pagsusulit tapos iba pinag-aralan ko. tama ba yun??? hinde. bagsak na naman ako. pang-ilang bagsak ko na ba to? tara bilangin natin base sa ilang pasado. wala pa ko napapasa. ayan maayos na. bilang na. LAHAT BAGSAK. leche.

Sumasaya ang buhay kolehiyo kasi kahit san ako magpunta ngayon may nakakausap at nakakasama ako. Masaya nga kasi hindi lang sila sabog, sabog na sabog pa. sabaw mga tao eh. kahit yung katabi ko sa kompyuter at yung mga kalikod ko sa kastila, at yung bagong kaibigan ko sa matematika at yung mga walang pakialam kong kaklase sa ingles. akala ko lahat sila sobrang galing kaya natakot ako magpakamagaling. eh malay ko namang wala rin pala silang pakialam masyado sa ginagawa nila. hay. masaya na ngayon kasi di na ko masyado nahihiya. gumamit ako nung FCME Langya Lotion.

Mukang mahirap ipagsabay lahat ng pinapasukan kong kaguluha’t kagandahan pero alam kong maaayos din tong lahat. leche ba naman eh, babagsak nalang ako, wala pa ko kaibigan? dapat meron na naman para sama sama di ba? haha. takte. gumagana na nga itong get-a-life na programa namin. masaya siya. buhay na buhay na ko.

Ngayon ko lang naiisip na masaya rin pala dito. Pero masaya pa rin ako syempre sa mga tao sa silangan. Hay ilang minuto na ang nalipas at nasayang ko dito sa pagsusulat ng walang kahinatnang kalokohan. Mayroon akong proyekto at kung ano sa kompyuter bukas, veinte minutos matapos yun, may speech at pagsusulit naman ako sa speech. isang oras lang matitira para makapagpahinga at makapag-aral ako para sa math. hay osige aalis na ko.

gusto ko pa sabihin na… congrats sa isa kong kaibigan. masaya ang buhay. šŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: