lumalabas ang sopas sa tenga ko.

“oy! kiss kiss!”

leche. ayoko ng ganitong emosyon eh. nadadala ako ng emosyon kesa sa pagiging rasyonal. hindi na tama.  gusto ko yung dati kasi nasa sistema na yung kilos at gawi. gusto ko yung dati kasi nakikita ko sarili ko sa isang kwento na ginagalawan ng nakakatuwang mga persona. gusto ko yung dati kasi dati hindi pa ko namomroblema nang ganito. gusto ko nung dati kasi dati wala pa kong alam tungkol dito – kumbaga, wala pa yung laman utak ko. alam mo ba yung pag nakilala mo na isang tao, yung mga kilos niyo nakaayon sa isa’t isa? nakakatuwa eh. alam mo naman kaya yung pakiramdam na may nakakaintindi sayo kasi pareho ang takbo ng utak niyo, tapos pareho pa kayo ng mga gusto at kinaaayawan?  may mga bagay na di niyo naman pinaguusapan pero parehong pareho ng kinalalabasan. meron pa eh. nanggigigil ka. nanggigigil siya. para kayong magkapatid na hindi. pero kahit anong gawin mo hindi mo mabasa utak niya, at pakiramdam mo lahat ng laman ng utak mo, nakakalkal niya.

alam mo naman wala na mangyayari kung magdamag kang aasa sa wala, hindi ba? may boses sa likod ng utak mo na wala ka naman talagang pakialam pero pinagpipilitan mo kasi gusto mo lang maibalik yung dati.

kung pwede nga lang, di na tayo lahat tatanda eh. yung tipong hanggang 10 years old lang mabubuhay mga tao. huwaw.  nilubos lubos na siguro natin lahat yun. at kung pwede lang mabubuhay ako sa bahay na gawa sa keso at gatas.

bakit ulit? “walang keso, walang beso” =\ kung pwede lang sana eh…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: