Magandang madaling araw, bayan.

Namimiss ko lang bigla ang magsalita ng wikang kinalakhan. Katuwa eh.  Kung kelan madaling araw, saka ako nagigising. Kanina nung gumagawa ako ng lab report sa pisika, nagsisisi ako. Sabi ko sa sarili ko, antanga mo, Trisha. Dapat hindi ka na nanood ng dibidi (dvd) kahapon pati nung isang araw. Andami mo napanood pero wala ka naman nagawa.  Tapos sinapak ko sarili ko. Hindi ba naman mukang tanga yun? Pero hindi yun punto ko.

Bakit ba hindi ko matanggal yung pagpapalipas ng oras na walang nangyayari sa buhay ko tapos sinasagad kong madaliin lahat sa dulo, hangga’t wala nang matirang oras para matulog? Nakakainis pero masaya eh. Kung iisipin ko, masaya manood ng telebisyon. Masaya rin tumitig sa kawalaan buong maghapon. Masaya rin matulog hanggang tanghali. Kainis. Di pwede ang ganyang mga bisyo sa mga ganitong responsibilidad. Simpleng tyaga hindi magawa.

Paano ba kasi magawang disiplinahin ang sarili? Eh kahit anong parusa ilagay ko sa sarili ko, natatanggal ko rin e. Para nga hindi ako kumain ng marami, gumamit ako ng tinidor pangkain ng yogurt. Parusa na yun, ah. Parusa na rin ang mag-ayos ng kama. Buhay tamad. Buhay na walang patutunguhan. Linte!

Dapat ngayon tulog na ko para bukas magawa ko naman yung dalawang pahina ng kalokohan na iimbentuhin ko para sa English, pero hinde, gising pa ko. Nagrereklamo sa mundong hindi naman makikinig. Okay tama na. Kilangan na matulog. Di pa pala ko naliligo. Bukas ng umaga nalang. Haha. Juskopo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: